CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, September 14, 2011

maikling kwento

by.Lanie B. Fontanilla
                     

ALAALA NG KAHAPON
            “Napakatamad mong bata ka.!” Hiyaw ng isang matanda sabay baton g walis sa apo niya. Iyan ang eksenanang nakita ko hababg palabas ng subdivisyon.
 Bumalik sa akin ang mga alaala noong ako’y bata, tinutulungan ko si itay at ina’y na sa bukid, kahit na napakainit ng sikat ng araw. Ang sakit sa balat pero ganun pa man tiniis ko iyon upang makatulong. Pinapauwi na ako dahil sa tindi ng sikat ng araw, dahil sa kakulitan ko hindi ako agad umuwi. Nang matapos ang aming ginagawa sa bukid, nag panhinga kami sandali. Nagpasya si itay na umuwi na upang makapagpahinga ng maayos. Nang malapit na kami sa bahay natanaw ni itay sina ate Mariza at ate Karla na masayang nag  kukwentuhan sa kubo malapit sa aming bahay. Nang nakarating kami sa bahay , nadatnan pa rin namin ang mga damit na marumi at ang mga pinagkainan na hindi pa nahuhugasan. Nagalit si ina dahil bago kami umalis kanina ay nagbilin siyang maglinis ng buong bahay at maglaba. Ipinatawag sakin ni ina sina ate, dalidali akong pumunta sa kinaroroonan nila ate, nang makalapit ako sa kanila nag wika ako
 “Ate Mariza, ate Karla tawag kayo ni ina”. Ngunit parang walang narinig ang dalawa  kaya inulit kong muli ang aking sinabi medyo pasigaw na ang pagsasabi ko
“ tawag kayo ni ina!”.
Lumingon sa akin si ate Mariza, siya nag panganay. Nang lumingon siya sa akin natakot ako dahil alam ko galit siya, at hindi maganda kapag nagalit siya nakakatakot. Baka masigawan na naman niya ako.
 “Pwede ba Angel hindi kami bingi para ulit-ulitin mo ang sinasabi mo! at wag na wag mo kaming sisigawan.!”. wika ni ate Mariza sa akin
Samantalang si ate Karla ay nakangiti lamang halatang ng iinis. Nang magsasalita muli si ate Mariza, biglang narinig naming ang boses ni ina, na tinatawag kami.Para hindi mapagalitan ni ate Mariza dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay, nang makarating kami naabutan naming si ina na nakaupo sa munti naming sala. nagwika siya
 “Mariza at Carla kayong dalawa ang magluto ng hapunan”.
 Nang marinig nila ang winika ni ina, panay ang reklamo nilang dalawa. Kahit anu pang sabihin o pagdadahilan nila hindi sila pinakinggan ni ina, wala na silang nagawa, kung hindi ang sumunod na lamang panay ang pagdadabog nilang dalawa, halatang inis sila ate. Bago pumasok si ina sa kanilang silid upang magpahinga sandaling sumilip muna siya sa kusina para tignan kung ginagawa ba nila ate ang kanyang inuutos. Maging ako sumabay kay ina sa pagpunta sa kusina dahil nais kong uminom dahil sa sobrang uhaw. Hindi ko alam ang aking gagawin ng makita ko na wala na pala si ina sa kusina, dahil batid ko na ako ang pagiinitan nila. Matapos kong uminom tumakbo ako agad palabas ng kusina at nagtungo sa aking silid. Ilang minuto din ang nakalipas nang makarinig ako ng katok.
Tok! Tok!tok! mula sa pinto ng aking silid, tumayo ako upang buksan ito.
 Nang mabuksan ko na ito nakita ko sina ate Mariza at ate Karla. Nagsalita agad si ate Karla nang makita ako,
 “Angel pumunta ka sa kusina at ikaw na ang maghanda ng ating hapunan., may importante kasi kaming gagawin.”. nagulat ako sa sinabi ni ate.
 “pero ate diba sabi ni ina kayo ang maghanda ng hapunan.” katwiran ko.
 “anong pero pero ka dyan gusto mong makatikim ha? At saka hindi naman niya sinabi na wag ka naming utusan ah” sabi ni ate  Mariza.
Dahil sa takot wala na akong nagawa kundi ang pumayag o sumunod sa utos nila, kahit pagod na pagod ang pakiramdam ko, dahil maghapon kami sa bukid.
            Alasais na ng hapon ng magising si ina, naabutan niya ako na naghahanda ng hapunan, nagulat ako ng mapalingon sa pinto ng kusina ng Makita ko sa ina na nakatayo sa pinto at pinapnood ako, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Nang lalapit sana ako sa kanya bigla siyang nag salita
 “nasaan ang mga ate mo? Bakit ikaw ang gumagawa niyan ha?”.
 Hindi ko alam ang isasagot, mabuti nalang at biglang dumating sina ate maging sila nagulat ng makita si ina pero mabilis na nakapag dahilan sina ate at sinabing sila daw ay may ginawa lamang sa labas. Hindi na muling nagsalita pa si ina. Nag utos siyang gisingin na si ama. Ako ang nagprisinta na gumising sa kanya. Sabay na kaming nagtungo  ni itay sa kusina nadatnan naming  sina ate at ina na nakaupo na sa harap ng hapagkainan . Ako ang nanguna sa panalangin. Nag-umpisa na kaming kumain, maganang kumain ang lahat, habang kumakain nag wika si itay, “ ang sarap naman ng pagkain ngaun ah.”
 “ Syempre naman itay pinasarap talaga naming iyan”  wika ni ate Mariza.
“aba’y kung ganyan ba kayo lagi.” Wika muli ni itay.
Hindi ko alam kung masisiyahan ako, pero ganun talaga eh. Naubos ang lahat ng niluto ko. Tuwang tuwa ako dahil dun.
Matapos kumain, nagkusang lood ako na maghugas ng pinagkainan,
 “ako na lamang ang maghuhudas, total sina ate naman ang nagluto eh.”.
Nang patayo na ako biglang nagsalita si ina,
 “hindi ikaw ang maghuhugas nang pinagkainan pumasok  kana sa iyong silid upang mag pahinaga” utos niya sa akin.  
Si ate Mariza at ate Karla ang inutusang mag hugas ng pinagkainan, tulad ng dati panay ang pagdadahilan nila para hindi na utusan, sinasabi nilang masakit ang ulo, tiyan, may exam at masakit ang katawan. Pero wala na silang nagawa ng hindi sila pinakingan ni ina. Nang paalis na ako sa kusina nag salita si ina na,
 “pagkatapos ninyo mag hugas mag uusap tayo, hihintayin ko kayo sa inyong silid.” Magkasama sa silid ang dalawa.
Tok!tok!tok!
Narinig ko mula sa labas ng aking opisina, at ng bumukas iyon pumasok ang aking sekretarya na si Marie,
 “ma’am pasensya na po  may naghahanap po kasi sa inyo”
 napalingon ako sa kanya, dahil wala naman akong inaasahang bisita. Kumunot ang aking noo. “ma’am Angel kapatid nyo daw  po siya” sabi niya ng tanungin ko, Mariza daw po ang pangalan niya.” wika ni Marie.
Hindi ko alam ang mararamdaman dahil ngayon na lang ulit kami nag kita, ang tagal na ng panahon na hindi kami nag kita pati na din si ate Karla.  Nang bumukas muli ang pinto nakita ko ang isang babae na mukhang matanda na at may dalang 3 anak at ang isa dito ay sanggol pa. Nagtaka ako kung si ate Mariza ba talaga iyon, dahil kung titignan mo ang layo ng itsura niya kay ate. Nagtulat ako ng tawagin ako ni Marie
“ma’am”
. Dahil sa pagtawag ni Marie sa akin naalala ko na my bisita nga pala ako. Inalok ko silang maupo na muna, at nag utos na din akong magdala ng meryenda. Nang matapos kong utusan si marie umalis na siya. Ako ang unang nagsalita.
“ ate kumusta kana?”
 sumagot si ate “ ok naman”.
 Napalingon ako sa kanyang mga anak, naawa ako sa mga ito, dahil ang papayat nila at ang duming tignan maging ang mga damit ay butas-butas. Nalipat ang atensyon ko kay ate ng biglang umiyak ang bunso iyang anak. Nag wika si ate Mariza
“Angel maaari mo ba kaming tulungan wala kasi kaming matutuluyan lumayas kasi kami.”  Hindi ko agad na iintindihan ang sinabi niya, dahil sa iba ang iniisip ko. Kung hindi pa ako kinalabit ang panganay niyang anak, at tinanong kung tutulungan ko sila. Doon ko lang naalala ang sinabi ni ate.
 “oo naman ate, kung gusto ninyo dun nalamang kayo tumira sa bahay, total mag-isa ko lang naman e.”. wika ko.
Makita ko sa mukha niya ang kasiyahan biglang nagkaroon siya ng sigla, maging ang kanyang mga anak ay masaya din. Natutuwa ako dahil sa ganung paraan nakatulong ako sa kanila at napasaya ko sila. Alam ko pagod na sila, kaya naman niyaya ko na sila na umuwi hindi na namin hinintay ang meryendang inihanda ni Marie. Nasalubong naming si Marie
 “ ay naku pasensya kana ha, sa bahay na lamang kami kakain, Upang makapagpahinga na din.” Sabi ko kay Marie.
 “Oh sige po ma’am , ingat po kayo.” Sagot ni Marie.
Nang makalabas kami ng kompanya na pinagtratrabahuhan ko. Dumeretso kami agad sa aking sasakyan, hindi agad nakakibo si ate, hindi siya agad sumakay sa aking sasakyan, samantalang ang kanyang mga anak ay tuwang tuwa.
 “tita alam mo ang saya ko po, dahil ngaun lang po kami nakasakay ng kotse.”  Tuwang-tuwang wika ng panganay.
“oo nga po tita Angel, dati pag nakakakita ako ng sasakyan, hinahabol ko kasi gusto ko sumakay.” dugtong ng pangalawang anak ni ate.
 Lumingon ako kay ate hindi siya nagsasalita.
“ate sakay na.” yaya ko kay ate.
Ng tawagin ko si ate dun lang siya sumakay. Habang kami ay nasa daan, bumalik sa aking alaala ang mga nang yari ng gabing iyon.
Nasa silid ako noon ng marinig ko ang boses ni ina na galit, kung kaya’t sumilip ako sa isang maliit na butas at doon nakita ko ang lahat ng pangyayari. Nakita kong umiiyak sina ate, “ano bang ugali meron kayo at ang tamad ninyo, hindi ba’t kabilinbilinan ko na maglinis kayo ng bahay at maglaba, pero anong giwa ninyo maghapon kayong nag kwentuhan at ang kapatid nyo pa ang pinaghanda ninyo nga ating hapunan, aba ang lalaki nyo na, hindi na dapst ibinibiling ang mga bagay na iyon, dapat sana ay nagkukusa na kayong gawin ang mga trabahong bahay.” Galit na galit na wika ni ina.
Ilang minuto ding walang nagsasalita sa kanila, ng biglang
“  bakit ba lagi na lamng kami ang inyong pinapagalitan ha, dahil ba si angel lang mahal at paborito ninyo?” pasigaw na sabi  ni ate Mariza.
Ilang beses din niyang sinigaw sigawan si ina. Hanggang sa na sampal siya ni ina. Ang aking huling narinig ay ang mga katagang
 “ wala akong poborito sa inyo, pareparehas ang turing naming sa inyo, dahil kayo lamang natatangi naming kayamanan sa mundong ito”. 
Hindi ko alam ang mararamdaman ng marinig iyon. Naputol ang aking pakikinig ng biglang may humawak sa aking balikat, sabay pa ng pag ihip ng hangin mula sa bintanang nakabukas. Pinagpawisan ako ng husto, dahan dahan akong lumingon at sa aking paglingon, nakita ko ang isang nakakatakot na itsura, nag tatakbo ako sa loob ng aking silid. May narinig akong pagtawa ng tignan ko kung san iyon galing nakita ko si ama na hinuhubad ang suot na mascara, tawa ng tawa si itay.
 “Anung ginagawa mo jan sa sulok kanina?” tanong sa akin ni itay.
“hinahanap ko lang po ung lapis ko.” pagsisinungaling ko.
 “oo nga pala may naghahanap sa iyo jan sa labas, kanina pa kita tinatawag di ka naman sumasagot.” biglang sabi ni itay.
“sino daw po?” tanong ko.
Wala naman akong inaasahang bisita. Hindi sumagot si ama lumabas na siya. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Sumunod din ako kay itay at nakita ko ang aking kaibagan. Kami lamang ang nasa sala,
“Angel baka naman pwedeng pakopya ng takdang-aralin natin sa English.” Sabi niya na may halong paglalambing.
Hindi ko siya natanggihan kung kaya’t ibinigay ko sa kanya ang aking takdang-aralin.
“basta ibigay mo sa akin iyan bukas bago pa magsimula ang klase ha.” Paalala ko.
Kinalabit ako ni ate, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.  
“Angel okay ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili ah?” pag-aalalang tanong ni ate.
“ah oo ate okay lang ako wag ka mag-alala.” sabi ko upang hindi na siya mag-alala.
Ngayon ko lang nakita si ate na nagaalala sa akin. Ipinasok ko sa loob ng garahe  ang sasakyan. “ma’am kaaga niyo po yata ngayon na umuwi” salubong na tanong sa akin ng kasama ko sa bahay..
 “oo nga pala manang sina ate mariza at ang mga anak niya. Maghanda ka ng meryenda.”  Pagpapakilala ko sa kanila kay manang at narin utos ko sa kanya.
 Pumasok na kami sa loob ng bahay tulad kanina tuwang-tuwa ang mga anak ni ate.
“Tita dito na po ba kami titira? Dito po ba ang bahay nyo?” tuwang-tuwang tanong ng magkapatid.
 “Oo dito ang bahay ko at magiging bahay na din ninyo.”
Nakangiting wika ko sa kanila. Hindi malaman ng dalawa kung saan sila unang pupunta para tignan ang kabuuan ng bahay.
 “hoy kayong dalawa wag masyadong magulo baka mabasag ninyo ang mga naka display jan.” Suway ni ate sa kanila.
“okay lang yun ate, wag kang mag-alala hindi naman babasagin ang nga iyan, mukha lang babasagin” wika ko upang hindi mawala ang ngiti ng dalawa.
“manang.!” tawag ko sa aming kasambahay. 
“Anu po iyon ma’am?” sagot niya ng papalapit sa amin.
“tawagin mo nalamang kami kung handa na ang meryenda ha.”
Sabi ko sa kanya at paalala na din.
 “opo”  sagot niya.
Nang makaalis na ang aming kasambahay niyaya ko sina ate na pumanik na muna sa magiging silid nila upang magpahinga. Sa unang silid ang dalawa niyang anak at siya kasama ang sanggol na anak naman ay sa kasunod na silid. Maging ako ay pumasok na sa aking silid, pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako.
“Napakaraming nangyari ngayong araw na ito”. wika ko.
 Nakahiga na ako ng maalala ko ang mga nangyari noon.
 Nagising ako ng maaga, unang araw ng klase hindi ko alam kung bakit tuwing araw ng lunes nananabik akong pumasok. Ang gusto ko sa tuwing araw na iyon ako ang laging nauuna sa klase. Habang ako’y gumagayak na pansin kong parang wala sina ate, kumatok ako sa kanilang silid ngunit walang sumasagot. Nag punta ako sa likod ng bahay, nadatnan ko si ina na naglalaba.
 “ina nakita nyo po ba sina ate?” tanong ko sa kanya.
“hindi ko sila nakita marahil tulog pa ang mga iyon, alam mo naman tanghali na kung magising ang mga kapatid mo.sagot ni ina sa akin. Lumabas ako ng bahay, at nadatnan ko si itay na pinapakain ang mga alaga niyang hayop.
“itay! Itay! Nakita niyo po ba sina ate?” tanong ko.
 “hindi baka tulog pa. Gisingin muna nga sila at baka tanghaliin sila sa pagpasok.” Sagot ni itay sa akin at utos na din.
Pumasok ako muli sa loob ng bahay at nagpunta sa kanilang silid. Kumatok ako tok! Tok! Tok!. Walang sumagot mula sa loob, ng subukan kong buksan ang pinto, hindi iyon nakakandado. Nagtaka ako pumasok ako sa loob ngunit wala akong nadatnan, maayos ang kanilang higaan. Nagtaka ako kung bakit wala sila.
“Angel!” tawag sa akin ni ina.
“po!” sagot ko.
 “pumunta ka na dito at kumain na.” utos ni ina.
Pumunta ako agad sa kusina upang ipaalam sa kanila na wala sila ate sa kanilang silid.
 “ Ina! Itay!” tawag ko sa kanila. “oh bakit parang nagmamadali ka?” tanong ni itay. 
“sina, sina ate wala sa kanilang silid.” Sabi ko na hingal na hingal. Natahimik sina ina at itay.
“ Ay oo nga pala pumunta sila sa batangas, sinundo nga pala sila ni ina’y kanina. Nakalimutan kong sabihin kanina at saka nawala sa isip ko.” Sabi ni ina.
Nang malaman ko iyon na inggit ako kina ate.
 “buti pa sila sinundo ni lola, nasa batangas na sila ngayon. Sa ako din.”sabi ko sa aking sarili. “inay bakit po ako hindi sinama ni lola?” tanong ko, na may pagtatampo.
“anak alam mo naman diba matanda na si lola at lolo mo hindi ka nila mababantayan, ang mga ate mo kaya na nilang alagaan ang sarili nila saka sila na din ang magbabantay sa lolo at lola mo.” Pangangatwiran ni itay. 
Hindi na ako nag salita dahil batid ko wala na akong magagawa. Matapos naming kumain kinuha ko na ang aking gamit upang pumasok na sa paaralan. Tulad ng inaasahan, ako ang naunang pumasok sa klase. Mabilis na lumipas ang oras.  Pauwi na ako.Nang masalubong ko ang mga kaibigan nila ate.
“Hi Angel nasaan ang mga ate mo?” tanong nila sa akin.
Sumagot ako at sinabing nasa batangas sina ate. Malapit na ako sa bahay ng may marinig akong my umiiyak. Mabailis akong punasok sa loob ng bahay, snundan ko kung saan galing ang pag-iayaak na iyon, naratnan  kung umiiyak si ina sa kanilang silid, tinanong ko siya,
“nay bakit po?” tanong ko. Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi siya kumibo. Iyak lamang siya ng iyak. Nadatnan kami ni itay.
“Angel magbihis kana at ako na bahala sa inay mo.” Utos ni itay sa akin. Kahit ayaw ko, pumunta na din ako sa aking silid.
Tok! Tok!Tok! bumukas ang pinto,
 “ma’am luto na po ang meryenda.” wika nang aming kasambahay.
 “oh sige susunod na ako, oo nga pala ako nalang ang tatawag kina ate.” Utos ko sa kanya. Hindi rin ako nakapagpahinga.
Tumayo na ako at nagpunta sa silid nila ate. Tulog sila ng makita ko, hindi ko na sila ginising. Nagpunta ako sa kusina upang sabihin kay manang na mamaya nalang kami magmemeryenda. Pumanik akong muli sa aking silid. Nais ko nang magpahinga ngunit hindi ako dalawin ng antok. Nakahinga ako, maraming mga tanong na nasa aking isipan. Kung bakit lumayas sina ate? Bakit itinago nila sa akin ang nangyari? Bakit naging ganun ang buhay ni ate Mariza? May asawa ba siya?  Si ate Karla kaya kumusta na siya? Ano na kayang nangyari sa kanya? Ano kayang naging buhay niya?.
Ring! Ring! Ring! Nagising ako sa tunog nang aking telepono. Sinubukan ko muling matulog ngunit hindi nanaman ako makatulog. Umupo ako sa harap ng bintana at tumanaw sa malayo.
  Tulad ng dati, nakatanaw ako sa malayo iniisip kung bakit umiiyak si ina? Anu kayang nangyari? Habang nakatanaw ako sa malyo, may biglang tumama sa aking braso. Nakita ko isang bato. Nang tignan ko kung sino ang bumato sa akin nakita ko ang aking kaibigan.
 “Angel tara sama ka sa amin punta tayo sa batis.” Yaya sa akin ng isa sa mga kaibigan ko. Tumayo ako, at pumunta sa silid nila ina.
“nay pwede po ba ako sumama sa kanila” paalam ko.
 ‘sige sumama ka sa kanila.” Pagpayag ni itay. Sumama ako sa kanila sa batis, Masaya tlaga silang kasama, nalilimutan ko ang mga bumabagabag sa aking isapan.
Nakakapagod, gabi na ng makauwi ako. Akala ako pagagalitan ako ni itay. Tinanong lamang niya ako kung kumain nab a ako?  Sinabi kong kumain na ako, pinakain ako ni aling Rosario  sa kanila. Nagpahinga na ako.Pumasok  na ako sa aking silid at maaga akong nakatulog sa sobrang pagod.bigla akong nagising sa aking pagkakaidlip sapagkat aking napanaginipan ang ate mariza at ate karla na naaksidente. Iyak ako ng iyak ng magising. Hindi ko alam ang aking gagawin ng nanalangin ako na sana walang masamang mangyari sa kanila.
Kinabukasan ng magising ako, lumabas ako ng bahay ngunit hindi ko nakita sina ina.
“nasa bukid na siguro sila.”
 Bago ako pumasok naglinis muna ako ng bahay, pati ang silid nila ina. Nakakita ako ng isang papel sa silid nila ina. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko nais kong basahin ang nakasulat sa papel, may isang parte ng utak ko na nagsasabing basahin ko iyon. Ang kabilang bahagi naman ay nagsasabing huwag, baka magalit sina itay. Mas nanaig sa akin ang bahagi ng aking utak na nagsasabing basahin ko iyon. Tumulo ang luha ko sa aking nabasa, hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, alam ko kung gaano kasakit ito  para kina inay at itay. Nagulat ako dahil tinawag ako ni inay
 “angel, nakabihis ka na ba? Bilisan mo at baka mahuli k s klase mo”.
Mabilis kung pinahid ang aking luha at pagkatapos lumabas ako at nagwika” o inay nariyan n pala kayo,ang akala ko’y nasa bukid n kayo”.hindi na sumagot si ina,batid ko ang nararamdaman niya ngayon, kung kayat nagpaalam na lang akong papasok na.
            Nahuli ako sa aming klase,kung kaya’t napagalitan ako ng aking guro.habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo, lumilipad ang isip ko,nag-aalala ako kay ina na baka magkaroon siya ng karamdaman dahil sa nangyari.sa sobrang pag-iisip hindi ko naamalayang tinatawag ako ng aking guro.kinalabit lamang ako ng aking kaklase kaya’t napukaw ang aking atensyon. “angel,anu ba iyang iniisip mo?”pagalit na wika ng aking guro.
Hindi ko alam ang aking isasagot kaya humingi na lang ako ng dispensa sa aking inasal .tapos na ang klase,kung kayat nagmamadali akong umuwi upang makapagluto ng hapunan. Pagkarating ko sa aming tahanan, nagbihis kaagad ako at nagtungo ng kusina upang magluto. Saktong pagkatapos kong magluto naramdaman ko ang pagdating nila itay. Nakita kong pagod na pagod sila sa trabaho kung kaya’t inalok ko sila na kumain.pumunta si itay sa hapag kainan upang kumain ngunit si ina ay pumunta sa kanilang silid. Nagwika ako
 “ina hindi pa ba kayo kakain,lalamig ang pagkain”.
Ngunit hindi sumagot si ina, kung kayat ang sabi ni itay ay “hayaan mo munang magpahinga ang iyong ina pagod lamang siya”.
 Dinalan ko ng mainit na sabaw si ina sa kanilang silid ngunit siya’y tulog na. Lumabas ako at sinabi ni itay na,
 “hindi ka ba kakain,halikat sabayan mo na ako dito”.
 Umupo ako sa silya na malapit kay itay at nagsimulang kumain ngunit nag-aalala ako ng tuluyan kay ina dahil baka hindi niya makaya ang nangyari.
            Habang nasa silid ako, inisip ko kung anu na ang kalagayan ng dalawa kong kapatid,nakakaramdam ako ng pangungulita sa aking mga kapatid na sana’y Masaya kaming magkakasama habang naghahalakhakan,tinutulungan nila ako sa aking mga takdang aralin.minsan naiinggit ako sa aking mga kaklase na masayang kinukwento ang tungkol sa kanilang mga ate,kaya’t sa tuwing ako ang tinatanung tungkol sa dalawa kong ate hindi ko alam ang aking isasagot kaya’t iniiba ko ang usapan. Sa kabilang banda naman naiinis ako sa kanila,dahil hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ni ina sa kanilang ginawa,masyado silang makasarili.hindi ba nila inisip ang sakripisyo ni ina at itay para sila ay makapag-aral upang mabigyan ng magandang kinabukasan,tapos aalis sila ng walang paalam.hindi ko namamalayang unti-unti nap ala akong nilalamon ng antok.
            Pagdilat ko, matirik na ang araw hindi ko namalayan ang oras,wala kaming pasok kaya siguro okay lang naman.mabilis akong bumangon sa aking kama at pumunta sa sala ngunit walang tao,hinawi ko ng bahagya ang kurtina sa pinto ng silid nila ina, nakita ko si ina na nakahiga at napansin ko din ang maliit na papel na hawak ni ina.bumalik sa isip ko ang sinabi nila ate sa sulat.
Inay,
            Hindi po naming gusto ito.ngunit hindi na naming matiis ang lahat.kung kayat minabuti n lang naming na lumayo sa inyo nila itay. huwag po kayong mag-alala kaya na po naming ang aming mga sarili, sasama na po kami sa aming mga nobyo. Hindi na po naming kaya ang ginagawa ninyong paghihigpit sa amin, hindi na po kami mga bata may sarili na po kaming pag- isip.at lalong-lalo na sa binibigay ninyong bapor kay angel,hindi lang naman siya ang inyong anak. Sana po ay maintindihan niyo ang ginawa naming ito.patawarin niyo po kami. Lagi niyo pong tandaan na mahal naming kayo.
                                                                                                Mariza at karla
            Nakatayo ako sa bungad ng pinto ng silid ng tawagin ako ni ina
 “ o angel anung ginagawa mo riyan” nagulat ako
 “ho, wala po iaayos ko lamang ang kurtina”  
Pagkatapos ko naglinis na ako ng bahay ngunit hindi maalis ang pag-aalala ko dahil nararamdaman kung unti-unti ng nanghihina si ina.pagkatapos kong maglinis nagluto na ako upang makakain na si ina. Sa panahong ito kailangan kong maging matatag upang makabangon kaming pare-parehas batid ko ang hirap na nararamdaman ni ina at itay kung kayat hindi dapat akong dumagdag sa iniisip nila.maraming problema na ang dumating sa aming pamilya ngunit ito ang pinakamahirap lagpasan.hindi ko alam kung paano o gaano pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.alam kong Mhirap paro basta magkakasama kaming tatlo at walang bibitaw makakaraos din kami.
            Ilang arw na rin na wala sila ate. Kung saan saan nagtatanong sina ina’y at itay kung may nakakita sa kanila. Araw na biyernes ng pag uwi ko sa bahay, wla sila ina.
 “Angel nagbilin ang iyong ina dito ka muna sa akin titira hanggat wala pa sila.” Paliwanag ng kaibigan ni ina.
 “po bakit daw po biglaan?” tanong ko.
Pero hindi daw niya alam kung bakit. May mga salitang naglalaro sa aking isipan, baka pinuntahan nila sina ate, sana makita nila ang mga ito. Sa manila sila nagtungo. Sa kaibigan ako ni ina tumutuloy habang wala pa sila, isang lingo na ngunit wala din sila. Gabi-gabi na nanalangin ako nasa paggising ko nandyan na sila.
            “Angel!” tawag sa akin ni ate.
 “mukhang malalim ang iniisip mo ah?” tanong niya.
“ah hindi naman ate.” Pag aalinlangan ko.
“Oo nga pala gutso nyo nab a magmeryenda?” biglang tanong ko.
“nasa baba na ang mga bata.” Wika ni ate.
Umiyak na nag papaasalamat sa akin si ate.
 “ate wala iyon, hindi bat mag kapatid  tayo at ang mag kakapatid hindi ba dapat nagtutulungan.” Pang-aalo ko kay ate. Niyakap ko siya. Maging ako ay umiiyak na din dahil sa wakas magkasundo na kami ni ate, napakatagal kong hinihintay ang araw na ito. tinanong ko siya kung kumusta na si ate Karla ng makaupo kami sa tabi ng bintana. Naging malungkot ang mukha ni ate. Nagtaka ako?
 “Ate?” hindi aagad nakasagot si ate.
“Angel si Karla,.. wag kasana mabibigla” wika ni ate. Hindi ko alam kong anong sinasabi ni ate, naguguluhan ako at kasabay nun natatakot sa kung anu mang nangyari kay ate Karla.
Nagsalita si ate at sinabing nabaliw daw si ate karla hindi ako makapaniwala sa mga nadinig ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Naawa ako sa kanya dahil sa sinapit niya.
 “ate paanong nangyari na-” hindi ko masabi ang salitang iyon dahil hindi ko kayang tanggapin. “ Angel my mga bagay na hindi mo nadapat malaman.” Iyon ang sinabi niya, anong bang mga bagay ang hindi ko dapat malaman tanong ko sa aking sarili.
Tumayo na si ate .Nag pasama siya sa akin para sunduin si ate karla. Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon pumunta kami agad sa kanilang tinitirahan. Nang makarating kami, lalo ako naawa sa naging kalagayan nila dito sa manila. Ganito ba ang lugar na pinamalagian nila, napakadumi, mabaho, at hindi maganda sa kalusugan ang paligid. Naghihirap sila samantalang ako natutulog ng maayos, dito paniguradong hindi sila nakakatulog ng maayos, sabi ko sa aking sarili. Naglakad kami sa  isang masikip na daan, ang mga tao mukhang mga adik. May mga nadaanan kaming nag iinuman, at nagsusugal.
 “walanghiya ka, sabihin mo sa akin kung nasaan ang kapatid mo!” sabay hampas ng kahoy sa braso ng babae.
 Natakot ako dahil dali-daling tumakbo si ate papunta si ate sa lalaking ng bubugbog. Nanginig ako, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Natatakot akong baka tama ang aking hinala na si ate-.
 “hoy ikaw ang walanghiya, anung karapatan mung saktan ang aking kapatid.” Narinig kong wika ni ate.
 Nakita ko ang babaing hinampas ng Makita niya si ate Mariza tumakbo siya palapit dito. Iyak siya ng iyak kita rin sa katawan niya ang mga pasa. Nanghihina ako sa mga nangyayari. Nakita ko ng kaladkarin ng lalaki si ate Mariza. Sa takot ko baka pati si ate saktan niya dinampot ko ang isang kahoy malapit sa akin. Nang maglalakad na ako palapit sa kanila, binalaan ako ng isang matandang babae na mag-iinagat daw ako, dahil walang awa nag lalaking iyon. Nang marinig ko iyong babala sa akin, nais ko nasa ng tumakbo palayo sa lugar na iyon ngunit kung gagawin ko iyon paano na sina ate.
 “kaya ko ba silang iwan dito?” tanong ko sa aking sarili.
 Magulong magulo ang isip ko ng mga sandaling iyon. Nakita ko simanpal ng lalaki si ate. Dala ang kahoy na napulot ko, papalapit na ako sa kanila ng maalala ko na sa hindi kalayuan sa lugar may mga pulis. Kinuha ko ang aking Telepono at tinawagan ang mga pulis. Sinampal niyang muli si ate sa pagkakataoon iyon hindi na ako nag dalawang isip na paluin ang lalaki. Nakakatakot siya.
 “Angel wag kana makialam pa.” Utos ni ate sa akin.
Nang ako na ang sasaktan niya biglang dumating ang mga pulis. Manghina ang aking mga tuhod at napaupo nalamang ako sa simento.
 “Angel” nadinig kong wika ni ate Karla habang palapit siya sa akin.
Nang makalapit siya sa akin niyakap niya ako. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa aking mata. Mapakasaya ko ng mga sandaling iyon kahit na ganon ang nangyari kanina sapagkat nadama ko ang yakap ng isang my kapatid. Hindi naman pala malala amg sakit ni ate.
May mga pagkakataon mang na nawawala siya tamang pag-iisip at hindi nakakatulong sa kanya ang lugar na iyon, iyon ang sabi sa amin ng doctor. Maari naming makasama si ate Karla sa bahay, basta araw-araw siyang nagpapatingin sa doctor. Nasa bahay kami masayang kumakain. Nang matapos kaming kumain kinausap ako ni ate Mariza sa aking silid.
 “Angel maaari ba tayong mag-usap?” tanong niya sa akin.
Pumayag akong mag-uasp kami.
 “Anong nagyari kina ina’y at itay.?’ Tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya. Dahil iyon ang mga alalang ayaw ko ng alalahanin pa.
“Angel?”. Huminga ako ng malalim, at nag simulang isalaysay kay ate ang mga nagyari.
            Lumuwas sina ina’y at itay sa manila,upung hanapin kayo. Ako naiwan ako sa kanyang kaibigan. Isang lingo kong hinhintay ang pagbabalik nila. Araw-araw umaasang darating na sila. Ngunit lagi akong bigo. Isang araw may lalaking naghahanap sa akin. Walang pasok nun kaya nandun lamang ako sa bahay. Tinawag ako ng kaibigan ni ina. Nang makalapit ako sa kanila, inilabas niya ang dawang larawan, larawan ni-. Larwan nila ina at itay. Tinanong nila kung kilala ko ba sila. Hindi ako agad nakasagot dahil kinakabahan ako nga husto. Hindi ko malaman kung bakit. “opo ki-. Kilala ko sila, sila ang aking magulang.” Uutal-utal na sabi ko. May inilabas siyang muling papel sa lanyang bag. At iniabaot niya iyon sa akin. Natatakot akong basahin ang nakasulat doon. Hidi ko iyon agad na binasa sa halip ay iniabot ko sa  kaibigan ni ina at nakiusap akong siya na lamang ang magbasa niyon. Umalis din agad ang lalaki pag kaabot na papel sa akin. Hindi ko alam kong bakit pero dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso ko sa sobrang lakas niyon, masyado akong kinakabahan. :
“Angel bakit parang ang putla mo ata ah?” tanong ng kaibigan ni ina.
 “anong nangyari sa iyo hindi ka naman ganyan kanina ah.?” Dugtong ng asawa nito.
“ hindi ko po alam pero ng makit ko ang lalaking nagbigay ng papael na iyan, kinakabahan na ako ng husto, hindi ko po malaman kong bakit, hanggang nagyon nga po kinakabahan ako.” Wika ko sa kanila.
Nang sabihin ko sa kanila ang nararamdaman ko, nakita ko sa mukha nila ang pagtataka.
“Gusto mo basahin ko na ito?” tanong ng kaibgan ni ina sabay bukas sa sobre.
“pwede po ba mamaya nalang pag nawala na ang kaba ko, at paghanda na akong malaman kung ano ang nakasulat dyan.” Pakiusap ko sa kanila.
 Pumayag naman sila. Nasa tabi kubo ako ng tawagin ako ng kaibigan ni ina para kumain na ng tanghalian. Pumunta ako agad, dahil nakakahiya naman kong magpapahintay pa ako, samantalang nakikitira lamang ako sa kinila. Matapos kumain naghugas ako ng pinagkainan. Nang matapos akong maghugas pinuntahan ko silang mag-asawa na nasa sala. Tita at tito na ang tawag ko sa kanila. Naging mabait sa akin ang mag-asawa na iyon, nagpapasalamat ako dahil sila ang kumupkop sa akin habang wala sina itay. Nakatingin lamang ako sa kanila.
“Angel bakit?” tanong sa akin ni tita.
 “ah wala po.” Sagot ko.
Hindi ko na naman malaman kung bakit nararamdaman ko na naman ang kakaibang kaba na naramdaman ko kanina. Lumabas ako ng bahay nakita ko ang mga alagang hayop ni itay. Naupo ako sa di kalayuan natatanaw ko pa rin ang nga alaga ni itay. Nag-iisip ako kung dapat ko na bang basahin ang sulat na ibinigay sa akin kanina. Natatakot akong basahin iyon dahil ng mabasa ko ang sulat nila ate. Umlis sila at inwan kami. Ayoko na muling nmagbasa ng sulat. Nakapagpasya na akong malaman ang nilalaman ng sulat. Nag punta ako kay tita nasa sala pa rin sila.
 “tita pwede po ba basahin ninyo sa akin ang sulat na ibinigay sa akin kanina.” Pakiusap ko. Binubuksan na niya ang sulat, habang binubuksan iyon pinagpapawisan ako ng malamig ang lamig ng pakiramdam ko.
Nagsimula na siyang basahin ito.
            Mahal kong Angel,
                        Malunkot naming ibinabalit sa pumanaw na ang iyong magulang. Naaksidente sila ng papunta sa manila. Sumabog ang kanilang sinasakyang bus. Hangang ngayon ay hindi pa matukoy ang mga katawan ng mga na aksidente. Tanging id lamang ng iyong magulang ang nakita naming kung kaya’t nakagawa kami ng sulat para sa iyo. Nakikiramay kami sa iyo.
                                                                                    Mr.Fernandez.

Hindi ko nalaman ang gagawin. Iyak ako ng iyak maging ang mag asawa ay umiiyak din. Hindi ko kinaya ang masamang balita, at dahil doon na walan ako ng malay. Dinala nila ako sa ospital. Nang magising ako nakita ko sina lolo at lola na nagbabantay sa akin sa ospital.
“lola” umiiyak na wila ko
 “sina itay ay ina’y hindi totoo ang nangyari hindi ba. Buhay pa sila. Hindi totoong wala na sila. Nag bibiro lamang sila hindi ba? Lolo, lola tama ako diba buhay pa sila. At nasa bahay na sila hindi ba?”. Iyak lang ako ng iyak.
 “ oo apo nasa bahay lang sila. Tumigil kana sa kakaiyak baka mapasama pa iyan sa kalagayan mo” pang-aalo sa akin ni lola. Ilang araw din akong nakatulog sa ospital. Nang makalabas ako ng ospital kinuha na ako nila lolo at lola. Dinala na nila ako sa batangas. Noong una ayaw ko sumama sa kanila dahi umaasa akong babalik kayo ni ate Karla. Ni hindi ko alam kong anong buhay ang daratnan ko doon. Dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman kung anong buhay mayroon sa Batangas. Alam ko din na kailangan kong pakisamahan ng husto ang mga titi at tito natin doon. Ang hindi ko lanh alam na ganoon pala ang mga ugali nila. Lagi nila akong sinasaktan sa tuwing hindi nakatingin sina lolo at lola. Kakaiba ang ugali nila. Kung tratuhin ka parang hindi ka nila kamag anak. Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang kamag-anak mo sila pa itong tumatapak sa iyo, sila pa itong nagpapasakit. Malayong malayo ang ugali nila kay ina at itay maging kay lolo at lola. Nang makarating ako sa batangas. Hindi ko rin matanggap na wala na sila. Kay hirap tanggapin,
 “wala na nga akong ate pati ba naman sina ina nawala na din sa akin”  wika ko, hindi ko namalayan na nandun pala si lolo.
 “apo nanadito naman kami, kami ang mag-aalaga at magbabantay sa iyo.” Sabi ng lolo habang palapit sa akin.
            Hindi nag-tagal pumanaw na rin sina lolo at lola dahil sa katandaaan. Naging malungkot at puro hirap ang naging buhay ko. Nakakalungkot lamang isipin na kung sino pa ang kamag-anak mo, sila pa itong nagpapahirap sa iyo. Ilang linggo na ang nakalipas magmula ng pumanak sina lolo at lola. Ipinunta ako ni tita sa isang mayamang matanda at doon ginawa akong katulong. Maging mabait  sa akin ang amo ko. Siya ang tumulong sa akin upang kahit papaano ay makapag-aral ako. Nakapag tapos ako dahil sa aking pagsisikap, naging kasambahay ako sa umaga at istudyante naman sa gabi. Nagpapasalamat ako sa poong Maykapal dahil hindi niya ako pinabayaan ng ako’y mag isa lamang sa buhay. Nang panahong iyon nais ko ng sumuko pero iniisip ko pa din ang mga bagay na ipinangako ko sa aking magulang na darating ang panahon, makakaahon din kami sa kahirapan. Ang iba nga lang nagyon, wala na sila ina. Maig-isa lang ako.
            Nang matapos ang aking isinasalaysay kay ate,  pareho kaming iyak ng iyak. Basang-basa ng luha ang aking mukha. Niyakap ako ni ate. Sa eksenang iyon kami nakita ni ate Karla ng pumasok siya sa aking silid.
“o bakit nag-iiyakan kayong dalawa dyan? Pwede ba akong  sumali, payakap din ako.”  Wika ni ate, sabay ngiti.
“wala namam maging sabik lamang kami sa isa’t isa , ang tagal na kasi ng panahon ng magkahiwalay-hiwalay tayo.” Wika ni ate Mariza
“oo nga naman ate Karla. Halika na nagarod ah sali kana.” Sabi ko sa aknya
Nilapitan niya kami at nag yakap kaming tatlo. Napakasaya ng mga sandaling iyon dahil hindi ko sukat akalain na magsasama-sama pa kaming magkakapatid.  Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Kahit ilang problema ang dumaan alam ko nandyan sila para tulunagan ako.
            Kinabukasan nagising kami sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay, may nagwawala. Ang lalaking nanakit kina ate.  Sumisigaw siya,
“hoy Mariza alumabas ka jan, mag-usap tayo.” Sabi ng lalaki.
Lumabas si ate Mariza.
“anong ginanawa mo dito ha? ang kapal ng mukha mong punun ta pa ditto, hindi ka pa nasiyahan, wag mong hintaying ipakaladkad pa kita sa mga pulis at tuluyang ipakulang. Kaya umalis kana ditto, pabayaan mo na kami.!” Galit na wika ni ate  Mariza.
Hindi agad umalis ang lalaki, patuloy siyang magsisisigaw sa labas ng bahay. Tumawag na akmi ng pulis para ipadampot siya. Nang matapos ang kaguluhan, Masaya kaming namasyal nila ate kasama ang mga anak niya. Marami kaming pinamiling gamit nila at ng mga bata.
Natutuwa ako dahil tuluyan ng gumaling si ate Karla. Hanggang sa ngayon Masaya kaming magkakasama.


0 comments: